Kababaihan: Ilaw Mo Gabay Ko
- Details
- Hits: 987
Malaki ang ginampanang papel ng mga kababaihan sa paghubog ng ating kasaysayan. Mula kina Gabriela Silang hanggang kay Pangulong Corazon C. Aquino, ang papel na kanilang ginampanan ay kinakitaanngtapang at pakikibaka, katalinuhan at pagkamalikhain, paghihirap at pagmamalasakit. Naroon sila sa halos lahat ng larangan – sa pagpapanatili ng kapayapaan, sapolitika, negosyo, sining, medisina, atbp.
Kaya’t bilang pagkilala sa naiambag ng mga kababaihan sa ating kasaysayan, ipinagdiriwang natin tuwing buwan ng Marso, ang Women’s Month. Ang pagdiriwang ay itinatadha na sa ilalim ng Proclamation 227. Bukod dito, ipinasa rin ng ating kongreso ang Republic Act 6949 na nagtatalaga sa ika-walong Marso taun-taon bilang National Women’s Day. Para sa taong ito, ang pagdiriwang ay may temang“Women Weathering Climate Change: Governance and Accountability, Everyone’s Responsibility”.
Tunay na napapanahon at makahulugan ang temang napili para sa pagdiriwang ng buwang ito. Ang climate change o pagbabago ng ating klima ay walang sinasantong kasarian at katayuan sa buhay – babae o lalaki, mayaman o mahirap – lahattayo ay apektado. Gaya halimbawa ng naranasan sa bagyong Ondoy. Nakita natin na maging ang mga nakatira sa exclusive villages ay hindi nakaiwas sa delubyong inabot natin sa Ondoy. Marami ang nasawi – babae, lalaki, bata, matanda.
Bakit natin pinagtutuunan ng pansin ang kababaihan sa usapin ng climate change?
Gusto lamang po natin matiyak na ang anumang adaptation measures na ating gagawin ay maging pantay at katanggap-tanggap sa lahat, maging mahirap man ,bata, matanda, babae o lalaki. Titiyakin po natin na anumang pagpaplano at pagpapatupad ng mga planong ito ay isinasaalang-alangang kapakanan ng sector na may kahinaan.
Halimbawa sapagsasaka. Ang pagsasaka ay isa sa pinaka-apektadong sector sa climate change. Kaya naman, prioridad ng ating pamahalaan sa paghahanap ng mga paraan para matugunan ang pangangailangan natin sa pagkain sa gitna ng climate change. 35% ng ating manggagawa ay galing sa agrikulutura. At ayon sa datos ng Bureau of Agricultural statistics noong 2006, 25% ng manggagawa sa agrikultura ay binubuo ng kababaihan. Pero sa kabila nito, hindi masyadong nabibigyan ng pansin ang kanilang pangangailangan, gaya halimbawa ng pagmamay-ari ng lupa o hayop. Kaya’t kung matamaan silang kalamidad at masira ang kanilang tanim, wala silang maibebentang pag-aari kung saan manggagaling ang perang gagamitin para makaahon sa sakuna.
Bukod diyan, binibigyan din natin ng pagkilala ang papel ng mga kababaihan bilang sugo ng pagbabago na may kinalaman sa disaster risk reduction (DRR). ‘Yung mga nakikita natin na gawi ng mga kababaihan na pagtatabi ng pagkain, gamit at iba pang bagay na kakailanganin sa oras ng kagipitan – iyan ang isang magandang halimbawa ng DRR.
Kaya’t sa ating mga kababaihan, sana ang pagdiriwang ng Women’s Month ay maging simula ng isang tunay na pagkilala sa ating kakayahan at pagkakapantay-pantay nating lahat. Ika nga, kung ang lalaki ang nagiginghaligi ng tahanan, ang ilaw ang syang gagabay tungo sa mga hakbang na makakabuti hindi lamang sa pangsarili kundi sa mas nakakarami. PInagmamalaki ko ang aking pagkababae at sa aking pamumuno sa Climate Change Commission, patuloy akong magseserbisyo ng tapat at malinis.
Para sa inyong mga komento, maaari po ninyo akong sulatan sa aking e-mail sa lucille.sering@climate.gov.ph o di kaya ay iparating ang inyong mga tanong sa facebook at twitter account ng CCC. Pwederinninyokamingtawagansaamingopisinasa 736-11-71 at 735-31-44.
---------------
People's Journal TONITE
KLIMA by Sec. Mary Ann Lucille L. Sering
March 06, 2012