August 17, 2021 Tuesday
MAYNILA, ika-18 ng Agosto 2021 —Tampok sa ika-58 na episode ng seryeng “Stories for a Better Normal: Pandemic and Climate Change Pathways” ang mga special citation winners sa ginanap na “Mga Kwentong KLIMA-likasan Tungo sa Katatagan: A Climate and Disaster Resiliency Recognition Awards,” ito'y isang initiative ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para kilalanin ang mga gender-responsive climate programs ng ating mga local government units at mga organisasyon.
Ang online na talakayan, na hango sa konsepto at pangunguna ng dating three-term Senator, na ngayo’y Deputy Speaker at Antique Representative Loren Legarda, ay ipapalabas sa Huwebes, ika-19 ng Agosto 2021, 10:00 AM via Facebook Live sa facebook.com/CCCPhl at face
Kasama bilang mga panauhin sa ikalawang bahagi ng two-part episode ay sina:
1. Carvel Collins G. Acabal, Children Basic Sector at Kalambuan Youth Organization (KAYO), Zamboanga del Sur (Special Citation: Youth Empowerment)
2. Adela Jamelo, Panatao ng Plastic Waste Recycling Association, Surigao del Norte (Special Citation: Originality)
3. Ian Chester M. Solver, Parish Youth Ministry - Basud, Youth of Poblacion Uno-Basud, Camarines Norte (Special Citation: Ecological Solid Waste Management)
4. Nyla Cordero, Kalayaan Organic Practitioners Association (KOPA), Laguna (Special Citation: Gender Empowerment)
5. Danielle Ann Ravalo, Graymont Philippines Inc., Las Piñas City (Special Citation: Sustainability Initiatives)
6. Auria Primaverde Gonzales, Metropolitan Naga Water District, Camarines Sur (Special Citation: Community Participation)
Kinikilala sa “Mga Kwentong KLIMA-likasan Tungo sa Katatagan” ang mga istorya at mga kwento ng ating mga kababaihan, kalalakihan at mga organisasyon, na nagsisikap na makatugon sa epektong dulot ng climate change sa kani-kanilang mga pamayanan sa pamamagitan ng gender-responsive programs na may kinalaman sa environmental protection at conservation, climate change, at disaster risk reduction.
Bilang isang online na talakayan upang maisulong ang kalusugan at kamalayang pang-kapaligiran, naglalayon ang Stories for a Better Normal na baguhin ang kaisipan ng bawat Pilipino at pamayanan sa mga hamon ng climate change at ng pandemya, tungo sa buhay na maka-kalikasan at sustainable sa ilalim ng ‘better normal’.
Ang online na talakayan na ito ay na-organisa sa pagtutulungan ng tanggapan ni Deputy Speaker Loren Legarda at ng Climate Change Commission, na binigyang-suporta naman ng Department of Education, Philippine Information Agency, Institute for Climate and Sustainable Cities, The Climate Reality Project-Philippines at Mother Earth Foundation.