Sustenableng Paskong Pilipino sa ika-74 na episode ng seryeng ‘Stories for a Better Normal’

December 07, 2021 Tuesday


MAYNILA, ika-8 ng Disyembre 2021 — Sa ika-74 na episode ng seryeng “Stories for a Better Normal: Pandemic and Climate Change Pathways”, ibibida natin ang micro at social enterprises na nagpapatupad ng waste management at nagsusulong ng mga eco-friendly na mga regalo sa pagdiriwang ng kapaskuhan.
 
Ang online na talakayan, sa  pangunguna ng three-term Senator, ngayo’y Deputy Speaker Loren Legarda, ay ipapalabas sa Huwebes, ika-9 ng Disyembre 2021,10:00 ng umaga via Facebook Live at facebook.com/CCCPhlfacebook.com/iamlorenlegarda, and facebook.com/DepartmentOfEducation.PH. Dalawang masuwerteng manonood ang maaaring manalo ng mga tablet kung makakapag tune in sa buong programa.
 
Kasama sa pag-uusap sina Shine De Castro, na Co-Founder ng Old Manila Eco Market sa Intramuros; Erin Larissa Canto, na Project Officer mula sa Wala Usik Economy sa Bacolod City at Talisay City, Negros Occidental; at si Jade Joquiño, na Co-Owner ng Darlings’ Milktea sa Maasin, Iloilo.
 
Ang mga environmentally conscious micro at social enterprises ay may mahalagang papel sa pagbabawas ng basura, pangangalaga sa kapaligiran, pagsusulong ng lokal na kultura at heritage, at pagbibigay ng mga trabaho at economic opportunities sa ating mga pamayanan.
 
Ibibida sa episode na ito ang mga pamamaraan tungo sa sustenableng pamumuhay mula sa pang araw-araw hanggang sa mga pangpaskong mga karanasan at gawain ng mga karaniwang mga Pilipino.
 
Bilang isang online na talakayan upang maisulong ang kalusugan, kamalayang pang-kapaligiran, at mga kasanayan sa pakiki-angkop sa klima, naglalayon ang “Stories for a Better Normal” na baguhin ang kaisipan ng bawat Pilipino, mga pamilya at pamayanan sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga paraan kung paano maisasakatuparan ang ‘better normal’.
 
Ang Stories for a Better Normal ay na-organisa sa pagtutulungan ng tanggapan ni Deputy Speaker Loren Legarda at ng Climate Change Commission, na binigyang suporta ng Department of Education, Philippine Information Agency, Institute for Climate and Sustainable Cities, The Climate Reality Project-Philippines, at Mother Earth Foundation.