March 26, 2022 Saturday
MAYNILA, ika-26 ng Enero 2022 — Magbabalik ang Stories for a Better Normal: Pandemic and Climate Pathways na may bagong episode ngayong linggo, kung saan kikilalanin ang ilan sa mga young Climate Reality Leaders (CRL) at ang kanilang mga makabagong ideya at solusyon bilang pagtugon sa climate crisis. Ibabahagi rin ng mga inimbitahang CRL ang kanilang mga karanasan sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang mga pamayanan at critical decision-makers, habang tinitiyak ang pangkalahatan at tunay na representasyon ng mga kabataan at iba pang mga vulnerable sector.
Ang online na talakayan, na hango sa konsepto at pangunguna ng dating three-term Senator, na ngayo’y Deputy Speaker Loren Legarda, ay ipapalabas sa Huwebes, ika-27 ng Enero 2022, 10:00 AM via Facebook Live sa facebook.com/CCCPhl at face
Tampok sa mapapanod na episode, na pinamagatang “Young Climate Leaders Breaking Barriers,” sina Ferth Vandensteen Manaysay, Engagement Officer ng Climate Reality Philippines; Sara Jane Ahmed, Finance Advisor ng Vulnerable Group of Twenty (V20) ng Ministers of Finance ng Climate Vulnerable Forum (CVF); at Carissa Pobre, Project Assistant ng Agam Agenda.
Ang mapapanood na episode ay makapag-bibigay sa mga manonood ng mga insight ukol sa mga kuwento at makabagong pamamaraan ng mga inimbitahang CRL na nagkaroon ng malaking ambag sa climate movement. Ang mga talakayan ay tututok sa kani-kanilang mga trabaho at mga karanasan bilang young climate leaders upang maibahagi sa iba pang mga climate advocate at sa general audience ang papel ng mga kabataan sa usapin ng climate action at ang pangangailangan ng agarang pagtugon sa climate change.
Bilang isang online na talakayan upang maisulong ang kalusugan, kamalayang pang-kapaligiran, at mga kasanayan sa pakiki-angkop sa klima, naglalayon ang “Stories for a Better Normal” na baguhin ang kaisipan ng bawat Pilipino, mga pamilya at pamayanan sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga paraan kung paano maisasakatuparan ang ‘better normal’ sa loob ng ating mga pamayanan.
Ang online na talakayan na ito ay na-organisa sa pagtutulungan ng tanggapan ni Deputy Speaker Loren Legarda at ng Climate Change Commission, na binigyang-suporta naman ng Department of Education, Philippine Information Agency, Institute for Climate and Sustainable Cities, The Climate Reality Project-Philippines at Mother Earth Foundation.