May 19, 2020 Tuesday
MANILA, 20 May 2020 – Para sa second episode ng online series na 'Stories for a Better Normal: Pandemic and Climate Change Pathways' sa paksang, 'Growing Your Own Food 101', itatampok ni Deputy Speaker Loren Legarda ang kahalagahan ng pagtatanim ng sarili mong pagkain at ang pagkakaroon natin ng mga halamanang-lungsod o urban gardens sa ating mga tahanan o pamayanan.
Ang ikalawang episode ay mapapanood sa livestream ngayong Thursday, May 21, 10:00am sa Facebook Live [https://www.facebook.com/conglorenlegarda and https://www.facebook.com/CCCPhl].
Maka-kasama si Secretary William Dar ng Department of Agriculture (DA) online para pag-usapan ang “Plant, Plant, Plant Program” kung saan kasama ang mas pinabuti at pinalakas na programang urban agriculture at gulayan project. Ibabahagi din ng kalihim ang iba pang mga simulain ng DA para suportahan ang sinumang may gustong magtanim sa kanilang mga sariling bakuran o lote sa barangay bilang 'community food gardens'.
Ang iba pang mga panauhin ay sina Niccolo Aberasturi, founder ng Down to Earth PH; si Patis Tesoro, may-ari ng PatisTito Garden Café & Permaculture Farm; si Barangay Captain Sheryl Nolasco mula sa Barangay Potrero, Lungsod ng Malabon, isang modeong barangay para sa ecological solid waste management, at si Carol Malasig, isang Berlin-based journalist at content writer ng Almost Diplomatic blog, upang magbahagi din ng mga basic steps para makapag-simula tayo ng ating mga food gardens, kasama ang iba pang mga teknolohiya, at mga hamon na hinaharap ng isang urban gardener.
Tatalakayin ni Deputy Speaker Legarda ang mga nilalaman ng House Bill No. 637 o ang Food Forest Gardening Act ng taong 2019, na syang may-akda sa Kongreso. Layon nitong maipatupad ang Philippine Food Forest Gardening Program. Sa ilalim ng panukalang batas, ang food forest gardening ay maaaring maitayo sa anumang lote, pampublikong parke, mga unutilized o idle public land, community o common spaces ng land developments, parte ng rural farms, urban housing projects, parte ng lupa sa mga paaaralan, mga dalubhasaan at mga pamantasan, at mga harapan ng mga kabahayan.
Bilang isang online discussion na nakapagsusulong ng magandang kalusugan at climate-friendly, sustainable practices, ang Stories for a Better Normal ay naglalayong baguhin ang kaisipan ng mga mamamayan, pamilya, at mga pamayanan na isulong na mamuhay-sustainable tungo sa isang mas-malusog, mas-ligtas, at isang mas-mabuti at mas-maayos na "normal" kaysa dati.
Ang online discussion ay inorganisa ni Deputy Speaker Legarda at ng Climate Change Commission (CCC), at sinusuportahan ng Institute for Climate and Sustainable Cities (ICSC), The Climate Reality Project-Philippines, at Mother Earth Foundation.