May 26, 2020 Tuesday
MANILA 27 May 2020 – Sa ikatlong episode ng online discussion na "Stories for a Better Normal: Pandemic and Climate Change Pathways,” tampok ang temang sustainable urban mobility, kung saan pangungunahan ni House Deputy Speaker at Antique Congresswoman Loren Legarda ang talakayan kung paano mahihikayat ang mga mga mamamayan at mga local government unit (LGU) na maisulong ang mas luntiang kalakaran ng transportasyon at inprastraktura.
Ang ikatlong episode ay mapapanood ngayong Huwebes ika-28 ng Mayo, 10 ng umaga sa Facebook Live at facebook.com/conglorenlegarda or facebook.com/CCCPhl. Kasama rito si Red Constantino, Executive Director ng Institute for Climate and Sustainable Cities na isa ring bike advocate, at syang co-anchor ni Deputy Speaker Legarda.
Kabilang sa mga imbitadong panauhing tagapagsalita ay sina: Ret. General Danilo Lim; Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman, Keisha Mayuga ng Life Cycles PH, Aldrin Pelicano ng MNL Moves, Nazrin Castro ng The Climate Reality Project (TCRP) Philippines; at Rommel Miles Corro na TCRP leader at cyclist.
Bilang paggunita ng World Bicycle Day sa ika-3 ng Hunyo, pahahalagahan at bibigyang-diin ng episode na ito ang papel ng mga bisikleta bilang karaniwang kalakaran ng transportasyon para sa mga frontliners at iba pang mga essential workers sa gitna ng panahong ito ng community quarantine. Tatalakayin din dito ang mga hamon at mga oportunidad sa paggamit natin ng mga bisikleta, ang mga pakinabang pang-ekonomiya at pang-kapaligiran, kasama na rito ang mga plano at pamamaraang pambansa at pang pamahalang-lokal upang bumuo ng mga bicycle masterplans.
Kamakailan lamang sinulatan ni Deputy Speaker Legarda ang mga miyembro ng Metro Manila Council, kung saan hinihikayat silang i-deklara ang pagbibisikleta bilang isang essential mode of transportation at nagsusulong ng mga rekomendasyon kung saan dapat at maaaring makapag-lagay ng mga dedicated at protected bike lanes na mag-uugnay sa mga lungsod ng Metro Manila.
Bilang isang online discussion na nakapagsusulong ng kalusugan at climate-friendly, sustainable practices, ang Stories for a Better Normal ay naglalayong baguhin ang kaisipan ng mga mamamayan, pamilya, at mga pamayanan na isulong na mamuhay-sustainable tungo sa isang mas-malusog, mas-ligtas, at isang mas-mabuting "normal" kaysa dati.
Ang online discussion ay inorganisa ni Deputy Speaker Legarda at ng Climate Change Commission (CCC), at sinusuportahan ng Institute for Climate and Sustainable Cities (ICSC), The Climate Reality Project-Philippines, at Mother Earth Foundation.