May 29, 2020 Friday
MANILA 30 May 2020 – Sa kamakailang Sustainable Urban Mobility episode ng programang “Stories for a Better Normal: Pandemic and Climate Pathways” tinalakay ni House Deputy Speaker at Antique Congresswoman Loren Legarda kasama ang mga bike advocates at cyclists kung paanong ang pagbi-bisikleta ay makatutulong sa ating mga frontliner na makapagbiyahe sa gitna ng dinaranas nating community quarantine at kung paano masusuportahan ng mga syudad at probinsya ang pagbi-bisikleta bilang isang mas maka-kalusugang alternatibo para sa ating mga commuter at transport sector.
Si Red Constantino, Executive Director ng Institute for Climate and Sustainable Cities, ay co-anchor ni Legarda sa talakayan, at kasama sina Undersecretary Frisco San Juan, Jr. ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA); Atty. Crisanto Saruca, MMDA Director para sa Legal and Legislative Affairs, Edison Nebrija ng MMDA Task Force of Special Operations; Keisha Mayuga, Life Cycles PH founder; Aldrin Pelicano MNL Moves founder Aldrin Pelicano; at Rommel Miles Corro, Climate Reality Leader at Triabetics member.
“Hindi dapat na maging pangarap na lamang ang Sustainable Urban Mobility. Gawin natin itong isang permanenteng solusyon para matugunan ang mga paghihirap at araw-araw na pakikibaka ng ating mga commuters. Sa ating Better Normal Bill, sisiguruhin ko na ang lahat ng mga konstruksyon at imprastraktura ay magkakaroon ng kani-kaniyang luntiang espasyo na may mga pagtataniman ng mga halaman at puno na akma sa ating klima, at may pedestrian at bike lanes. Ibalik natin ang mga espasyong ito sa ating mga mamamayan,” sabi ni Legarda, na mag do-donate ng bagong bike sa Life Cycles PH at MNL Moves.
Ibinahagi ni Red Constantino ang tantya ng Department of Transportation na mahigit kumulang na 50% na kabawasan sa passenger capacity ng mga bus, pampasaherong dyip o PUJ, at public utility vehicles o PUVs, kasama na rito ang 80-90% na kabawasan mula sa rail sector. Nagbigay din sya ng mga halimbawa at paliwanag ukol sa malaking pakinabang ng pagbi-bisikleta sa ating ekonomiya at klima.
“Ang pagbi-bisikleta papuntang trabaho ay mabuti para sa ating ekonomiya dahil nababawasan ang gamit na gasolina at importasyon ng langis, mas malinis ang hangin, at mas mainam ang kalusugan para sa ating mga manggagawa. Nakatutulong rin sa climate action. Napakaraming mga projection ang nagpapakita na napakalaki ng carbon emissions ang maaaring maibawas —makatitipid ang mga syudad ng $25 trillion sa loob ng susunod na 25 na taon dahil sa pagbibisikleta at maaaring makaiwas ng 300 megatonnes ng carbon,” sabi ni Constantino.
Ibinahagi ni Keisha Mayuga ang mga simulaing isinagawa na ng Life Cycles PH upang matulungan ang ating mga frontliners sa gitna ng kasalukuyang pandemic at ang panawagan upang magkaroon ng mga dedicated at protected na mga bike lanes sa Metro Manila na konektado sa mga karatig-pook.
“Sinimulan ko ang grupong Life Cycles PH noong narinig namin na mawawalan ng mass transport sa gitna ng pandemic. Nadurog ang puso ko nang malaman na ang mga mamamayan ay hindi makauuwi sa kani kaniyang mga tahanan kung kaya't namigay kami ng mahigit na 1,400 na mga bisikleta sa pamamagitan ng isang donation drive, na nakalikom na ng mahigit 3 million pesos na pondo. Sa pamamagitan ng community matching sa Facebook, ang mga pribadong indibidwal at mga frontliners ay maaring makahiram ng mga bisikleta. Gayundin, sa pamamagitan ng EDSA Evolution ay ipinaglalaban at isinusulong ang pagkakaroon natin ng permanent at protected bike lanes para masiguro ang kaligtasan ng ating mga frontliners at bikers,” sabi ni Mayuga.
Ibinahagi ni Aldrin Pelicano kung paanong nagmula lamang sa kahiligang gawain ang MNL Moves, na ngayon ay naging isa ng pamayanan ng mga nagsusulong ng pagbibisikleta. Ibinahagi din niya ang survey na kanilang ginawa kasama ng ICSC at ng University of Twente (UT) sa Netherlands ukol sa regular na bike routes ng mahigit na 400 cyclists at ang naging resultang mga rekomendasyon ukol sa pagkakaroon ng interconnected bike lanes.
“Ang pagkakaroon ng mas maraming oras para sa pamilya dahil sa pagbi-bisikleta ang naging mensahe ko para mapalawak ang MNL Moves hanggang ito'y maging isang community. Kami ngayon ay nagsimulang manawagan at manghikayat sa mga organisasyon maski na sa labas ng cycling community upang makapagdaos ng mga pagsasanay at ang pagkakaroon ng mga programa upang makapagbahagi ng kaalaman. Maaaring ipatupad muna ng mga LGUs ang pagkakaroon ng temporary bike lanes upang matutunan din paano gawing permanente ang mga bike lanes,” sabi ni Pelicano.
Tinalakay at ibinahagi din ni Rommel Miles Corro ang kanyang mga karanasan sa pagbi-bisikleta mula Muntinlupa, kung saan inihahatid nya ang kanyang mga anak sa kanilang paaralan, at pagkatapos noon patuloy siyang nagbibisikleta papunta sa kanyang trabaho sa Makati.
“Papaano at bakit ba ako nagkaroon ng matinding kahiligan at pagmamahal sa pagbibisikleta? Hindi lamang ito dahil nakaka-menos ako sa gastos. Hindi lamang ito dahil binabawasan ko ang ating carbon footprint. Kundi, napupukaw din nito ang pagiging malaya ng aking kaluluwa at damdamin. Nagkaroon na din ako ng natural na pagkasuklam sa kadalasang pag-iisa ko sa loob ng kotse. Nakaka-konsensya kasi bahagi ako ng traffic at hindi bahagi ng solusyon. Ngunit kapag ikaw ay nagbibisikleta papuntang trabaho, nagkakaroon ka ng bahagyang kalayaan at nabibigyan ako nito ng malawakan na laya sa anumang oras na mayroon ako,” sabi ni Rommel Miles Corro.
Samantala nagpahayag ng suporta sa rekomendasyon ni Legarda na magkaroon tayo ng isang bike masterplan sa Metro Manila si MMDA Usec. San Juan. Bahagi ng bike masterplan na ito ay kang pagkakaroon ng dedicated at protected bike lanes, na isusulong sa House Bill 6864, o ang "Better Normal for the Workplace, Communities and Public Spaces Act" o ang Better Normal Bill na ini-akda at itinaguyod ni Legarda.
“Kami ay sumusuporta sa bike lane program sa Better Normal Bill. Bago magkaroon ng pandemic, mayroon nang kasalukuyang umiiral na bike lane project sa kahabaan ng Ilog Pasig, mula Pasig hanggang Manila. Inaayos pa po ang obstructions para maging continuous bike lane siya. Ang ating panaginip ay binibigyan ng pagkakataon na maging isang katotohanan sa mga darating na buwan,” sabi ni Usec. San Juan.