Itinampok ni Deputy Speaker Loren Legarda ang Katangi-tangi nating mga Environmental at Climate Laws at Adaptation Practices sa “Conversations with the Champion”

June 04, 2020 Thursday


MAYNILA, Ika-5 ng Hunyo taong 2020 — Sa pagdiriwang ng World Environment Day ngayong araw na ito at ng Philippine Environment Month ngayong Hunyo, itinampok ni House Deputy Speaker at Antique Congresswoman Loren Legarda ang sampung katangi-tanging mga batas natin ukol sa environmental protection at climate risk governance,  kasama na rito dito ang sampung napakagandang mga halimbawa ng climate change adaptation practices, sa virtual forum na pinamagatang “Conversations with the Champion” na inilunsad at napanood sa Facebook Live.

Ibinahagi ni Deputy Speaker Legarda ang kanyang kaalaman at mga pananaw ukol sa mga napagtagumpayan na ng bansa at ang mga kinakailangang makamit natin upang maprotektahan ang kapaligiran at maging matatag sa gitna ng peligrong dala ng climate change, habang bumabangon pa tayo mula sa epekto ng pandemiya.

“Mayroon na tayong mga batas. Kung kaya't ang kinakailangan na lang natin ngayon ay ang political will upang maipatupad natin ang mga ito. Mayroong mga pamamaraan ang ating kalikasan upang mapaalalahanan tayo sa kung anong mga bagay ang dapat pa nating gawin nang mas malawakan at kumilos nang mas mabilis para harapin ang pandemiya, climate change, at iba pang krisis,” sabi ni Legarda.

Bilang pangunahing tagapagtaguyod ng environment at climate change, naiakda at naisulong ni  Legarda ang pagpasa ng mga batas tulad ng Clean Air Act of 1999, Ecological Solid Waste Management Act of 2000, Wildlife Resources Conservation at Protection Act of 2001, Clean Water Act of 2004, National Environmental Awareness at Education Act of 2008, Renewable Energy Act of 2008, Climate Change Act of 2009, People's Survival Fund Act of 2012, Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010, at iba pa.
 
“Tayo ngayon ay nabubuhay sa hindi ordinaryong panahon kung kaya’t nangangailangan din ito ng karampatang hindi ordinaryong mga pagkilos mula sa atin. Nagpapahatid sa atin ng mensahe  na kinakailangan pa natin alagaan ng mas mabuti ang ating kapaligiran. At panahon na upang tigilan na ang pang-aabuso natin sa kalikasan. Panahon na ngayon upang bumuo tayo ng better normal. Panahon na rin ito kung saan kinakailangan na natin protektahan ang ating kalikasan,” sabi ni Legarda.
 
“Ang nananalantang COVID 19 pandemic na siyang nagmulat sa atin ng masakit na katotohanan na ang mundo ay di kasing unlad ng inaakala natin. Napagtanto natin na ang ating mga lipunan at ang ating economic systems ay sadyang napaka-rupok, na tayo ay kasing lakas lamang ng kung sino mang pinaka-vulnerable sa atin. Kinakailangan natin ngayong pahalagahan ang pagkaka-ugnay ng lahat ng buhay dito sa mundo, at kinakailangan din natin magkaroon ng pangunahin at malawakang pagbabago sa uri ng ating pamumuhay. Ang pagbabalik natin sa nakagawiang normal ay di na dapat pinag-iisipan pa,” giit ni Legarda.

Si Legarda ang isa sa mga may-akda ng House Bill na “Better Normal for Workplaces, Communities and Public Spaces Bill,” na nagsusulong ng mahigpit panuntunang pangkalusugan at pang kaligtasan at napapabuti nito ang mga patakaran hinggil sa kalusugan, kapaligiran, climate change, edukasyon, agrikultura, labor, turismo, at sining at kultura tungo sa isang better normal.
 
Bilang Global Champion for Resilience ng United Nations Office for Disaster Risk Reduction (UNDRR), United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC) Global Champion for National Adaptation Plans, Global Champion din ng UNDRR Asia Pacific Champion for Disaster Risk Reduction and Climate Change Adaptation, at Commissioner ng Global Commission on Adaptation, binigyang diin ni Deputy Speaker Loren Legarda ang kahalagahan ng synergy o pagkakaisa sa pagitan ng Pilipinas at ng mga international climate organization upang matugunan ang mga global challenges na kasalukuyan nating hinaharap.

Sinagot ni Legarda ang mga katanungang nagmula sa mga bihasa, kasama na rito ang  tagapagtatag ng Global Optimism at dating Executive Secretary ng UNFCCC na si Christiana Figueres; Salvano Briceño na dating kabilang sa International Strategy for Disaster Reduction; ang Climate and Clean Air Coalition Secretariat Head na si Helena Molin-Valdes; Dr. Mannava Sivakumar ng World Meteorological Organization (WMO); Matthew McKinnon ng Climate Vulnerable Forum; Dr. Rodel Lasco at Dr. Rosa Perez ng National Panel of Technical Experts (NPTE) ng Climate Change Commission.

Ukol sa kahalagahan ng isang holistic approach upang matugunan ang climate change at ang pandemiyang COVID-19, sinabi ni Legarda na, “Di natin kakayanin lutasin ang kasalukuyan nating mga problema kung gagamitin natin ang nakagawiang pag-iisip at nakasanayang mga pananaw na dati nang nagamit at kung saan nga nagmula ang problema. Kung kaya nga ang paghihimay dito ay kinakailangang magmula sa isang systems perspective, upang masiguro na ang ating mga pagkilos mula ngayon ay hindi makapapanumbalik ng dati na nating mga kahinaan. Sa lahat ngayon ng ating mga gagawin, kinakailangan nating lumingon upang tingnan at suriin kung saan man tayo nagkamali at huwag nang ulitin pa ito.

Ukol sa kahalagahang ng pakikipagtulungan sa ibang bansa, binigyang diin ni Legarda na “ang international community ay kailangang sumuporta sa pamamagitan ng teknolohiya, exchange ng best practices, pinansyal na tulong, at capacity building upang transpormahin ang lokal na ekonomiyang tungo sa isang "green economy.”

Ukol sa green recovery pathway para sa Pilipinas, “Napakalaki ng gastos kung di tayo makikibagay at susunod sa batas ng kalikasan. Panahon na upang sumunod sa mga batas pangkalikasan dahil dito nakasalalay ang ating kaligtasan." sabi ni Legarda.

“Sa World Environment Day, maging mas mabait sana tayo sa isa't isa bilang tao, mas mabait sa ating pamayanan, mas mabait sa ating kapaligiran, mas mabait sa ating kalikasan. Kapalit nito, ang kalikasan ay magiging mas mabait sa atin.” pagtatapos ni Legarda.