February 16, 2021 Tuesday
MAYNILA, Ika-17 ng Pebrero taong 2021 — Bilang pagkilala at pagmamahal sa tradisyonal at ecosystem-based livelihood, magtitipon-tipon virtually ang ilan sa mga kilalang tao sa larangan ng pagsusulong ng katutubong paghahabi upang ibahagi ang kanilang mga kaalaman ukol sa pagpapatatag ng rural na pangkabuhayan lalo na sa panahon ng pandemiya at krisis pang-klima ngayong ika-35 na episode ng "Stories for the Better Normal: Pandemic and Climate Change Pathways" na may temang “Protektahan ang Katutubong Paghahabi!”.
Ito ang kauna-unahan mula sa maka-apat na episodes na nagbibigay-tuon sa pagsuporta sa pagpapatatag sa nasabing pangkabuhayan.
Sa pangunguna ni dating three-term Senator at ngayo’y House Deputy Speaker Loren Legarda, mapapanood ang episode na ito ngayong Huwebes ika-18 ng Pebrero 2021, 10:00 AM via Facebook Live sa facebook.com/CCCPhl at face
Kasama sa nasabing online na talakayan sina Virginia Doligas, General Manager ng Easter Weaving Room Inc.; Anya Lim, co-founder ng ANTHILL Fabric Gallery; Atty. Emerson Cuyo, Director of Bureau of Copyright and Related Rights of the Intellectual Property Office of the Philippines (IPO); at pati na si Komisyoner Abubacar Datumanong ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining para talakayin kung paano pangalagaan at protektahan ang ating mga lokal na anyong paghahabi laban sa mga huwad o hindi makatotohanang beryson nito. Naglalayon din ang episode na ito na makapagbigay tinig sa mga katutubong Pilipino (IPs) sa pamamagitan ng intellectual property rights.
Maaalalang sa nakaraang mga episode, pinag-usapan sa online serye ang papel ng tradisyonal na industriya ng paghahabi at sining sa pagbibigay ng mga pagkakataong magkaroon ng sustenableng maka-kapaligiran na pagkakakitaang pangkabuhayan habang pinapangalagaan ang pamanang pang-kultura at lokal na maka-manlilikhang sining.
Samantala, para naman sa episode na ito, hihingin ni Deputy Speaker Legarda at ng kaniyang mga panauhin ang suporta ng mga pamilya, kasama na ang publiko upang maprotektahan ang industriya ng tradisyonal at katutubong paghahabi.
Inihain ni Deputy Speaker Loren Legarda ang House Resolution No. 1549 na naghihikayat sa Special Committee on Creative Industry and Performing Arts na magsagawa ng pagsisiyasat sa tulong ng batas ukol sa isyu ng huwad na habing-tela na inakma sa anyo ng paghahabi ng mga taga-Cordillera na pumapasok sa ating lokal na merkado mula sa ibang bansa. Kung kaya kinakailangan na mas palakasin ang proteksyon sa intellectual property rights at pamanang pang-kultura ng katutubo nating mga Pilipino kasama na ang kanilang mga pamayanan.
Isinulong din ni Deputy Speaker Legarda ang House Bill 7811 o “An Act Safeguarding the Traditional Property Rights of Indigenous Peoples”, na naglalayong makalikha ng malawakang tala-imbakang pang-kultura na siyang mag-oorganisa ng isang talaan ng lahat ng mga pag-aaring pang-kultura ng iba’t ibang ethnolinguistic groups sa Pilipinas. Nagbibigay mandato rin ang nasabing batas ukol sa pagbabayad ng royalties para sa paggamit ng pang-kulturang mga pag-aari ng katutubong Pilipino.
Bilang isang online na talakayan upang maisulong ang kalusugan, kamalayang pang-kapaligiran, at mga kasanayang pang climate-adaptive, naglalayon ang "Stories for a Better Normal" na baguhin ang kaisipan ng mga tao, mga pamilya, at mga pamayanan sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga pamamaraan kung saan maaaring magkaroon tayo at maisasabuhay natin ang isang ‘better normal’ sa loob ng ating mga pamayanan.
Na-organisa ang online na talakayang ito mula sa pagtutulungan ng tanggapan ni Deputy Speaker Loren Legarda at ng Climate Change Commission (CCC) na binigyang-suporta naman ng Institute for Climate at Sustainable Cities, The Climate Reality Project-Philippines, at ng Mother Earth Foundation.