Mga Negosyo sa Paggawa ng mga Palayok at Laryo sa Ika-36 na Episode ng Seryeng ‘Stories for a Better Normal’

March 02, 2021 Tuesday


MAYNILA, ika-03 ng Marso taong 2021 — Pag-uusapan online ang tradisyonal na mga gawang-sining ng pagpapalayok (brickmaking) at paglalaryo (pottery) kasama ang ilan sa mga mahuhusay na Pilipinong taga-gawa kung saan kanila ring ibabahagi ang kani-kanilang mga obra-maestra nang sa gayo'y makabuo at makakuha ng mas malawakang suporta mula sa publiko para sa industriya. Ito at iba pang mga culture-based livelihood ay ipapalabas sa ika-36 na episode ng “Stories for a Better Normal: Pandemic and Climate Change Pathways,” na may temang “Pottery at Brickmaking Enterprises.” Ito ang pangalawa mula sa maka-apat na episode na nagbibigay-tuon sa pagsuporta sa pagpapatatag ng nasabing pangkabuhayan.
 
Sa pangunguna ni dating three-term Senator at ngayo’y Deputy Speaker Loren Legarda, mapapanood ang episode na ito ngayong Huwebes ika-04 ng Marso 2021, 10:00 AM via Facebook Live sa facebook.com/CCCPhl at facebook.com/iamlorenlegarda.
 
Kabilang sa online na talakayan ang mga taga-gawa ng palayok at laryo o clay mula sa iba't ibang lugar sa bansa, tulad nina Sheryl Ebon-Martinez, ceramicist mula sa Oryoqi Handmade Pottery; Siegrid Bang yay, ceramic artist mula sa Sagada, Mountain Province; Alvin Obrique, pottery maker mula sa Sibalom, Antique; at Anacleto Amar, brickmaker mula Tibiao, Antique. At sasamahan din sila nina Nelia Elisa Florendo, tagapamuno ng Industrial Technology Development Institute ng Department of Science and Technology; Rosaly Jean Resolute, Business Counsellor mula sa Negosyo Center ng Department of Trade and Industry; at Elsie Marie Carloto, ceramic teacher-researcher mula sa University of Antique.
 
Matatandaang sa nakaraang mga episode, tinalakay sa online serye ang papel ng industriya ng traditional weaving, handicrafts, at embroidery sa pagbibigay ng mga pagkakataong magkaroon ng sustenableng maka-kapaligiran na pagkakakitaang pangkabuhayan habang pinapangalagaan ang pamanang pang-kultura at lokal na maka-manlilikhang sining.
 
Samantala, para naman sa episode na ito, hihingin ni Deputy Speaker Loren Legarda at ng kaniyang mga panauhin ang suporta ng mga pamilya, lokal na pamahalaan, kasama na ng publiko, upang maprotektahan ang mga culture-based livelihood na hindi lamang nakapagbibigay kita sa lokal nating mga pamayanan ngunit nakatutulong din sa pagpapanatili ng pamanang kultura ng bansa.
 
“Sa pamamagitan ng culture-based livelihood tulad ng pottery at brickmaking, nakapagbibigay tayo sa ating mga kababayan ng maaaring pagkakitaan at kasabay na rin dito naka-aambag tayo sa pangangalaga ng ating pamanang kultura. Nagkakaroon naman ng mas matibay na kamalayang pagmamay-ari ang komunidad dahil sa minana nilang mga tradisyon mula sa kanilang mga ninuno. Sa pamamagitan ng episode na ito, inaasahan naming mas mapalago ang kahiligan ng mga manonood sa tradisyonal na mga kasanayan at maipakita ang pang-ekonomiyang mga pagkakataon na maaaring makuha mula sa pagkatuto o pagiging mahusay sa naturang kasanayan," pahayag ni House Deputy Speaker at Antique Representative Loren Legarda.
 
Bilang isang online na talakayan upang maisulong ang kalusugan at kamalayang pang-kapaligiran, naglalayon ang "Stories for a Better Normal" na baguhin ang kaisipan ng mga tao, mga pamilya, at mga pamayanan sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga pamamaraan kung saan maaaring magkaroon tayo at maisasabuhay natin ang isang ‘better normal’ sa loob ng ating mga pamayanan.
 
Na-organisa ang online na talakayang ito mula sa pagtutulungan ng tanggapan ni Deputy Speaker Loren Legarda at ng Climate Change Commission (CCC) na binigyang-suporta naman ng Institute for Climate at Sustainable Cities, The Climate Reality Project-Philippines, at ng Mother Earth Foundation.