March 14, 2021 Sunday
Larawan mula sa pexels.com.
MAYNILA, Ika-15 Marso taong 2021 — Nananawagan ang Climate Change Commission (CCC) para sa tuwirang pagbabawal ng mga non-essential at single-use plastics bilang bahagi ng pagpa-patupad ng ating ambisyosong mga layunin na mabawasan ang greenhouse gas (GHG) emissions mula sa lahat ng mga sektor.
Sinabi ng Commission na ang problema natin sa mga plastics ay hindi lamang usapin ng waste or pollution, kundi usapin din ito ng climate. Ang plastics ay naging isa sa napaka-halagang bahagi ng ating mga produkto sa usapin ng packaging dahil sa mga katangiang mayroon ito tulad ng durability, ang pagiging lightweight, at low cost. Sa kabila ng marami nitong mga kapakinabanggan, ang plastics ay nagmumula sa fossil fuels na syang nag-e emit ng GHGs na syang nagpa-palala ng kundisyon ng ating klima.
Ayon sa ulat/pagaaral na “Plastic & Climate: The Hidden Costs of a Plastic Planet” na inilathala Center for International Environmental Law (CIEL), ang GHGs ay na e-emit sa bawat stage ng plastic lifecycle: 1) pagta-tanggal at pagta-transport ng fossil fuel, 2) plastic refining at manufacturing, 3) pamamahala sa mga basurang plastic, at 4) ang patuloy na pinsalang dulot ng plastics kapag humantong na ito sa ating mga karagatan, mga daluyang-tubig, at ang kabuuang kalagayan ng lugar.
Ang extraction at transport ng mga fossil fuels para lamang makagawa ng plastic ay syang nagpo-produce ng GHG sa pamamagitan ng methane leakage at flaring, fuel combustion at energy consumption sa proseso ng paghuhukay natin para sa oil o gas, at sa pamamagitan ng land disturbance kapag ang mga kagubatan at mga kapatagan ay nililinis at pinapatag para lamang makagawa tayo ng well pads at pipelines. Kahit na ang plastic refining ay nakagagawa rin ng mapag-pinsalang mga emissions.
Ang mga plastic na napupunta sa mga landfill, at nare-recycle, o di kaya'y sinusunog ay nakapag-poproduce din ng emissions. Habang nasa proseso tayo ng landfilling ng plastic, nakapag-dudulot din ito ng iba pang napaka-hahalagang mga panganib, tulad ng sa kalusugan at sa kapaligiran. Ang recycling ang syang nakapag-dudulot lamang ng bahagyang mga emissions. Habang ang pagsusunog ay syang pangunahing dahilan ng mapinsalang mga emissions mula sa pamamahala ng mga basurang plastic.
Ang mga plastics na palutang-lutang nalang sa ibabaw ng karagatan, mga baybayin, mga pampang, at tanawin ay patuloy na bumubuga o nagpapakawala ng
methane at iba pang mga GHGs, at ang mga emissions na ito ay nadaragdagan habang ang mga plastic ay patuloy na nabubulok.
Ang mga microplastics na nakakalat sa ating mga karagatan ay nakagagambala din sa kakayahan nitong maka-absorb at maka-sequester ng carbon dioxide. Ang microscopic na mga hayop at halaman ay gumaganap ng isang napaka-halagang papel sa loob ng biological carbon pump na syang humuhuli sa carbon na lumulutang sa ibabaw ng karagatan at dinadala nya ito sa kailaliman ng mga karagatan, ito rin ang pumipigil sa muling pagpasok nito sa ating atmosphere. Sa buong mundo ang mga plankton na ito ay nagiging contaminated na nang mga microplastics na nakakalat at naka tambak lang. Nakakabawas sa kakayahan ng mga phytoplankton na ayusin ang carbon sa pamamagitan ng photosynthesis ang plastic pollution. Nakakabawas din ito sa metabolic rates, reproductive success, at survival ng mga zooplankton na maglipat ng carbon sa kailaliman ng karagatan.
Ipinahiwatig din sa ulat na ang mga industriya ng plastic ay nag abala na palawakin pa ang kanilang produksyon na sya ring nagbabantang makapag-palala pa ng masasamang mga epekto ng plastics sa klima at kung saan maaaring gawing imposible ang layunin nating mapigilan ang pagtaas ng global temperature rise bago pa ito umabot ng 1.5°C.
“Kung ang produksyon, pagtatapon, at pagsusunog ng plastics ay hahayaan na lamang nating mavpatuloy sa kaslukuyan nitong growth trajectory, pagdating ng taong 2030, ang mga global emissions na ito ay maaaring umabot na sa 1.34 gigatons kada taon—maaaring umabot sa mahigit kumulang na to 295 five-hundred-megawatt coal plants. Pag-abot natin ng taong 2050, ang produksyon ng plastics at pag susunog nito ay maaaring maka- emit 2.8 gigatons ng CO2 kada taon, na naka pag-papawala ng mahigit kumulang na 615 five-hundred-megawatt na bulto at lawak ng emissions na mula sa mga "coal plants", ayon sa naka saad sa ulat.
Para lamang maiwasan ang pag- overshoot natin sa 1.5°C target, iminungkahi ng ulat na pagsama-samahin natin ang nai-ipong global greenhouse emissions sa loob ng natitirang (quickly declining) at mabilis nang nauubos na carbon budget na 420–570 gigatons.
“Pero kung ang paglago ng plastic production at pag susunog natin ay mag papatuloy na tulad ng ating inaakala, ang pinag-patong patong na greenhouse gas emissions, ito ngayon ay aabot ng mahigit pa sa 56 gigatons CO2e pag dating ng taon 2050, o mahigit kumulang na 10–13 percent ng kabuuang natitirang carbon budget pag dating ng taon 2100, ang sobrang labis na konserbatibong mga pala-palagay ay mag bubunga ulit ng pinag-patong patong na carbon emissions mula sa plastics na halos umabot na sa 260 gigatons, o lagpas pa sa kalahati sa carbon budget,” dagdag pa ng ulat.
Gamit ang data na ito, ang Climate Change Commission ( CCC) ay lubos na nag aalala ukol sa mga problema natin sa plastics, lalung lalo na sa pang-lokal na antas. Sinabi ng climate body na ang pinaka epektibong paraan upang matugunan ang plastic crisis ay ang biglaan at lubusang pag babawas sa produksyon ng mga di kinakailangang o unnecessary plastics, kung saan kinakailangan nating magsimula sa national hanggang umabot tayo sa global bans ng halos lahat ng single-use at disposable plastics.