Mga urban MSMEs, ibibida ngayong ika-43 episode ng seryeng ‘Stories for a Better Normal’

April 27, 2021 Tuesday


MAYNILA, ika-28 ng Abril taong 2021 — Magsasama-sama virtually ang ilan sa mga entrepreneurs mula sa sikat na Poblacion area sa Makati upang mai-angat ang kamalayan kung paano isinusulong ng mga lokal na negosyo ang environmental sustainability at pangangalaga ng pamanang-kultura sa ika-43rd episode ng seryeng “Stories for a Better Normal: Pandemic and Climate Change Pathways,” na may temang, “Makati Poblacion: Empowering Local.”
 
Pangungunahan ni dating three-term Senator, at ngayo'y Deputy Speaker Loren Legarda ang episode na ito,  na mapapanood sa Huwebes, ika-29 ng April 2021, 10:00 AM via Facebook Live at facebook.com/CCCPhl and facebook.com/iamlorenlegarda.
 
Kasama sa online na talakayan ang mga entrepreneurs na sina Samantha Nicole Samonte, Programming Director ng Futur:st; Rachel Harrison, may-ari ng Zambawood Private Event Space; Architect Jed Yabut, na isang rattan artist; at Chef Christine Zarandin, founding chef ng Wantusawa.
 
Matatandaang sa nakaraang mga episode, pinag-usapan sa online na serye ang papel ng micro, small, and medium enterprises (MSMEs), lalong-lalo na sa usapin ng  tradisyonal na paghahabi at mga sining, pagpa-palayok at pagla-laryo, pagtatanim ng kape, at pagtatanim ng kawayan, sa pagbibigay ng mga pagkakataong magkaroon ng sustenableng pagkakakitaang pangkabuhayan habang pinapangalagaan ang pamanang pang-kultura at sinusuportahan lokal na manlilikhang sining.
 
Sa episode na ito, bibigyang-diin ang kolektibong pagkilos ng mga entrepreneurs para muling bigyang-buhay ang Poblacion, at gawin itong isang urban center at maningning na lugar ng pag-asa para sa sining, kultura, at environmental sustainability sa pamamagitan ng pagbabagong anyo at pagkatao ng distrito sa gitna ng pandemya. Itatampok din ang mga local spaces na sumusuporta at nagbibigay kakayahan sa mga homegrown brands at mga alagad ng sining.
 
Malaki ang naging epekto ng pandemyang COVID-19 at ang katuwang nitong mga hakbanging quarantine sa lokal na mga MSMEs, na binubuo ng 99.5% na mga negosyo sa Pilipinas at nakapagbibigay trabaho sa mahigit kumulang 63% na mga uring manggagawa ng bansa. Ayon sa Asian Development Bank, 70.6% ng mga MSMEs na sinuri sa Pilipinas ang napilitang panandaliang magsara dahil sa COVID-19 outbreak. Bilang importanteng bahagi ng ekonomiya sa Pilipinas, kinakailangang bigyan ng naaayon na suporta ang mga  MSMEs para kayanin ng mga itong maka-panumbalik ng mas matatag.
 
Bilang isang online na talakayan upang maisulong ang kalusugan at kamalayang pang-kapaligiran, naglalayon ang "Stories for a Better Normal" na baguhin ang kaisipan ng mga tao, mga pamilya, at mga pamayanan sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga pamamaraan kung saan maaaring magkaroon tayo at maisasabuhay natin ang isang ‘better normal’ sa loob ng ating mga pamayanan.
 
Na-organisa ang online na talakayang ito mula sa pagtutulungan ng tanggapan ni Deputy Speaker Loren Legarda at ng Climate Change Commission (CCC) na binigyang-suporta naman mula sa Department of Education, Philippine Information Agency, Philippine Commission on Women, Institute for Climate and Sustainable Cities, The Climate Reality Project-Philippines and Mother Earth Foundation.