June 01, 2021 Tuesday
MAYNILA, ika-2 ng Hunyo taong 2021 — Ang mga malalaking civil society organizations na nagsusulong ng pag-phaseout ng single-use plastics (SUPs) ay magtitipon virtually upang pag-usapan at talakayin ang mga mapanganib na epekto ng SUPs sa kalusugan ng tao, kapaligiran at klima. Tatalakayin din ng mga nasabing panauhin ang panukalang Single-use Plastic Products Regulation Bill sa ika-47 episode ng seryeng “Stories for a Better Normal: Pandemic and Climate Pathways,” na may temang, “Uniting Against Single-Use Plastic.”
Ang episode na ito ay ipalalabas sa Huwebes, ika-3 ng Hunyo 2021, 10:00 AM sa Facebook Live ng facebook.com/CCCPhl at face
Kabilang sa mga panauhin ay sina Froilan Grate, Regional Coordinator ng Global Alliance for Incinerator Alternatives at President ng Mother Earth Foundation; Atty. Gloria Ramos, Vice President ng Oceana Philippines; at Marian Ledesma, masigasig na zero-waste campaigner ng Greenpeace Philippines. Lahat sila ay dadalo sa online na talakayan na pinangungunahan ni House Deputy Speaker at Antique Representative na si Loren Legarda.
Tatalakayin din sa episode na ito ang plastic-free alternatives sa lokal na mga negosyo pati na rin ang alternative delivery systems at reuse solutions.
Ang Pilipinas ay sadyang kilala sa ating mayamang marine ecosystems, ngunit isa rin ito sa mga pangunahing pinagmumulan ng plastic wastes sa buong mundo.
Ang produksyon, kasama ng pagsusunog ng plastik, ay gumagamit ng petrochemicals na siyang nakadadagdag sa global greenhouse gas (GHG) emissions at climate change. Ayon sa GAIA, ang mga Pilipino ay gumagamit ng 59.7 bilyong pirasong sachet, 17.5 bilyong pirasong shopping bags, 16.5 bilyong pirasong plastic labo bags, at 1.1 bilyong diapers kada taon.
Ang pandemyang ay lalo pang nagpalala at nagpalaki ng problema natin sa single-use plastics. Dahil sa paglalayon ng mga taong mabawasan ang kontaminasyon at lalo pang paglaganap ng virus, dumalas ang ating paggamit ng highly disposable items, gaya ng mga ginagamit nating pang take-out sa pagkain at packaging ng online deliveries.
Ang episode ay tututok sa pagkilos para matugunan ang mga problemang dulot ng plastic pollution at sa panawagan ng mga organisasyon para sa agarang pagpasa ng Single-Use Plastic Products Regulation bill.
Bilang isang online na talakayan upang maisulong ang kalusugan at kamalayang pang-kapaligiran, naglalayon ang "Stories for a Better Normal" na baguhin ang kaisipan ng mga tao, mga pamilya, at mga pamayanan sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga pamamaraan kung saan maaaring magkaroon tayo at maisabuhay natin ang isang ‘better normal’ sa loob ng ating mga pamayanan.
Na-organisa ang online na talakayang ito mula sa pagtutulungan ng tanggapan ni Deputy Speaker Loren Legarda at ng Climate Change Commission na binigyang-suporta naman ng Department of Education, Philippine Information Agency, Philippine Commission on Women, Institute for Climate and Sustainable Cities, The Climate Reality Project-Philippines at ng Mother Earth Foundation.