June 08, 2021 Tuesday
MAYNILA, ika-9 ng Hunyo taong 2021 — Magtitipon-tipon ang mga eksperto mula sa Department of Education (DepEd) para magbigay kaalaman sa usapin ng mental health at wellness, para maprotektahan at maitaguyod ang kapakanan ng mga mag-aaral kasama ng mga manggagawa sa hanay ng sektor ng edukasyon ngayong panahon ng pandemya sa ika-48 na episode ng “Stories for a Better Normal: Pandemic and Climate Change Pathways,” na may temang, “TAYO Laban Sa Pandemya: Tulong. Alaga. Yakap. Oras.” Ang episode na ito ay hango sa isa sa mga programang pang mental health at wellness ng DepEd.
Ang online discussion na mula sa konsepto ni dating three-term Senator at ngayo’y Deputy Speaker Loren Legarda, na ipapalabas sa Huwebes, ika-10 ng Hunyo 2021, 10:00 AM via Facebook Live sa facebook.com/CCCPhl at face
Kabilang sina Ms. Ronilda R. Co, Director ng DepEd Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS); Ms. Joan Grace Llamado, Project Manager ng DepEd Mental Health and Psychosocial Support Services; Ms. Maria Fe G. Manuzon, Principal ng DepEd Nueva Ecija; at sina Ms. Marchelle dela Cruz mula sa Cabiao Senior High School at Mr. Francis Paulin mula sa Buanoy National High School na magbabahagi ng karanasan sa Mental Health at Psychosocial Support Services (MHPSS) at iba pang mga programa ng ahensya na naglalayong maprotektahan ang kapakanan ng mga mag-aaral kasama ng mga manggagawa sa sektor ng edukasyon ngayong panahon ng pandemya at mga sakuna.
Matagal nang nakapagbibigay ng mental health at psychosocial support ang DepEd-DRRMS tuwing may sakuna o mga emergencies mula pa ng taong 2016. Inaamin at kinikilala nito ang mga hamong dala ng pandemyang COVID-19 sa buong pamayanang DepEd: para sa mga mag-aaral, na ngayo’y kinakailangang masanay sa distance learning, kung saan hindi nila kasama ang kanilang mga guro at mga kaibigan; para sa mga guro, pinag-iisipan pa kung papaanong sila’y epektibong makapagturo ng leksyon sa karampatang asignatura; para sa mga kawani, na nagtatrabaho sa ngalan ng pagpapatuloy ng serbisyong publiko kahit na sa gitna ng quarantine; at para sa mga pamilyang patuloy na sumusuporta sa edukasyon ng kanilang mga anak sa harap ng takot at pangamba.
Bibigyang-diin sa susunod na episode ang mga karanasan ng mga mag-aaral at ng mga kawani na nakinabang sa mga programa ng DepEd MHPSS sa pag-asang maitataguyod nito at mapoprotektahan ang mental health at wellness ng ating mga mag-aaral at kawaning nagtatrabaho sa sektor ng edukasyon.
Na-organisa ang online na talakayang ito mula sa pagtutulungan ng tanggapan ni Deputy Speaker Loren Legarda at ng Climate Change Commission (CCC) na binigyang-suporta naman ng Department of Education, Philippine Information Agency, Institute for Climate and Sustainable Cities, The Climate Reality Project-Philippines at ng Mother Earth Foundation.