June 15, 2021 Tuesday
MAYNILA, ika-16 ng Hunyo taong 2021 —Magtitipon-tipon virtually ang ilan sa mga kilalang community pantry organizers upang ibahagi ang kani-kanilang sustainable and green practices sa pag-oorganisa sa mga community-based initiatives ngayong ika-49 na episode ng seryeng “Stories for a Better Normal: Pandemic and Climate Change Pathways,” na may temang, “Zero-waste and Innovative Community Pantries.”
Pinangungunahan ni dating three-term Senator, at ngayo'y Deputy Speaker Loren Legarda ang episode na ito, na mapapanood sa Huwebes, ika-17 ng Hunyo 2021, 10:00 AM via Facebook Live sa facebook.com/CCCPhl at face
Kasama sa gaganaping online na talakayan ang mga community pantry organizers mula sa iba’t ibang dako ng bansa, kabilang na rito sina Adeline Almelor mula sa Brgy. San Miguel Iriga City, Camarines Sur Zero Waste Community Pantry; Maricon Alvarez mula sa Mother Earth Foundation (MEF) Malabon Community Pantry; Jay-vee Mendoza mula sa Anahaw, San Pedro, Laguna Community Plant-ry; Edren Llanillo, Co-founder ng Go Bike Project, mula sa Bugallon, Pangasinan; at Evelyn Vergara, Founder ng Community Reading Pantry ng Tabotong Elementary School sa Saranggani Province.
Nagtatayo ng mga pansamantalang community pantries ang mga Pilipino para matulungan ang mga naghihikaos sa pera dahil sa kawalan ng trabaho ngayong panahon ng pandemya. Sa pamamagitan ng mga nasabing community pantries nagkaroon ng paraan ang mga tao para mag-donate at makakuha ng libreng pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan, habang ang iba naman ay namamahagi ng mga binhi ng gulay at iba pang mga halaman upang makatulong sa ibang tao na makapagtanim ng sarili nilang kakainin. Samantala, naghahatid din ang ilang pantries ng mga serbisyong pangkalusugan at pang-edukasyon.
Itatampok sa episode na ito ang mga indibidwal na nag-organisa at nanguna sa community pantries sa kani-kanilang mga barangay. Ipinakita nila hindi lamang ang kagandahang loob at konsiderasyon, kun’di pati na rin ang pagsasagawa ng mga zero-waste operations, umaasa na magbigay inspirasyon sa maraming mga Pilipino na bawasan ang paggamit ng plastic packaging.
Bilang isang online na talakayan upang maisulong ang kalusugan, kamalayang pangkapaligiran, at mga kasanayan sa pag-angkop sa klima, naglalayon ang "Stories for a Better Normal" na baguhin ang kaisipan ng mga tao, mga pamilya, at mga pamayanan sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga pamamaraan kung saan maaaring magkaroon tayo at isabuhay natin ang isang ‘better normal’ sa loob ng ating mga pamayanan.
Na-organisa ang online na talakayang ito mula sa pagtutulungan ng tanggapan ni Deputy Speaker Loren Legarda at ng Climate Change Commission (CCC) na binigyang-suporta naman mula sa Department of Education, Philippine Information Agency, Mother Earth Foundation, Institute for Climate and Sustainable Cities, and The Climate Reality Project-Philippines.