June 22, 2021 Tuesday
MAYNILA, ika-23 ng Hunyo taong 2021 — Magtitipon-tipon virtually ang ilang individuals and organizations mula sa Siargao upang isulong ang natural resource protection, climate resilience, at sustainable tourism sa ika-50 episode ng seryeng “Stories for a Better Normal: Pandemic and Climate Pathways,” na may temang, “Sustainable Travel Series: Siargao”.
Ang online na talakayan, na hango sa konsepto ng dating three-term Senator, na ngayo’y Deputy Speaker at Antique Representative Loren Legarda, ay ipapalabas sa Huwebes, ika-24 ng Hunyo 2021, 10:00 AM sa Facebook Live facebook.com/CCCPhl at f
Kabilang sa mga panauhin ay sina Vice Mayor Alfredo Matugas Coro II ng Del Carmen, Surigao del Norte; Andi Eigenmann, celebrity at social media influencer; Jerlyn Rabaca, Espoir School of Life educator; at Kara Rosas, entrepreneur founder ng Lokal Lab. Magbabahagi sila ng paglalakbay nila tungo sa better normal sa pamamagitan ng kani-kanilang lifestyle, advocacy at community-based enterprises sa Siargao.
Ang kasalukuyang pandemya ang naging dahilan upang mapabuti ang kalagayan ng industriya ng turismo sa bansa, na nagdulot ng oportunidad upang magkaroon ng sustainability sa sektor. Ang episode na ito ay magsisilbing platform upang isulong ang lokal na turismo at mga pamamaraan ng sustainable na paglalakbay sa kabila ng mga travel restrictions na patuloy pa ring ipinatutupad.
Bilang isang online na talakayan upang maisulong ang kalusugan at kamalayang pang-kapaligiran, naglalayon ang "Stories for a Better Normal" na baguhin ang kaisipan ng mga tao, mga pamilya, at mga pamayanan sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga pamamaraan kung saan maaaring magkaroon tayo at isabuhay natin ang isang ‘better normal’ sa loob ng ating mga pamayanan.
Na-organisa ang online na talakayang ito mula sa pagtutulungan ng tanggapan ni Deputy Speaker Loren Legarda at ng Climate Change Commission (CCC) na binigyang-suporta naman ng Department of Education, Philippine Information Agency, Institute for Climate and Sustainable Cities, The Climate Reality Project-Philippines at ng Mother Earth Foundation.