Pagtatanim ng sariling pagkain, tampok sa ika-51 na episode ng seryeng ‘Stories for a Better Normal’

June 29, 2021 Tuesday


MAYNILA, ika-30 ng Hunyo taong 2021 — Magtitipon-tipon virtually ang ilan sa mga masisigasig na urban gardeners upang magbahagi ng karanasan sa pagsisimula ng home at community food gardens, sa episode na “May Pagkain sa Bakuran" ng Stories for a Better Normal: Pandemic and Climate Change Pathways (CCC), ang online discussion na pinangungunahan ni Deputy Speaker Loren Legarda at ng Climate Change Commission. Gusto nating mahikayat ang mga kabahayan at pamayanang makapagsimula ng mga taniman para sa food security lalo ngayong panahon ng panedmya.
 
Makakasama sa online na talakayan sina Diding Libao, lider ng Inang Maria’s Garden ng Payatas; Christine Joy Tomate at Jeanny Flojimon ng Food Today Food Tomorrow, Payatas; Atty. JC Tejano ng Urban Green Commune; at Nicole Obligacion, isang urban gardener mula sa Anyone Can Garden Facebook blog. Naka livestream ito sa Huwebes, ika-01 ng Hulyo 2021, 10:00 AM via Facebook Live sa facebook.com/CCCPhl at facebook.com/iamlorenlegarda.
 
Inilantad ng kasalukuyang pandemya ang kahinaan ng tradisyunal na food supply chain na nagbabanta sa pagkain at seguridad sa nutrisyon ng mga Pilipino. Bilang solusyon, ginawang communal food garden ang ilan sa mga kabahayan, bakuran, at mga bakanteng lote, kabilang na sa mga depressed areas. Unti-unti na ring nauuso ang container gardening bilang food source at recreational activity alinsunod sa quarantine restrictions na ipinapatupad sa buong bansa. Hinihikayat din ang mga manonood na kumuha ng mga practical tips mula sa mga panauhin.
 
Bilang isang online na talakayan upang maisulong ang kalusugan at kamalayang pang-kapaligiran, naglalayon ang Stories for a Better Normal na baguhin ang kaisipan ng bawat Pilipino at pamayanan sa mga hamon ng climate change at ng pandemya, tungo sa buhay na maka-kalikasan at sustainable sa ilalim ng ‘better normal’.
 
Na-organisa ang online na talakayang ito mula sa pagtutulungan ng tanggapan ni dating three-term Senator at ngayo'y Deputy Speaker Loren Legarda at ng CCC na binigyang-suporta naman ng Department of Education at Philippine Information Agency, at ng civil society organizations na Institute for Climate and Sustainable Cities, The Climate Reality Project-Philippines at ng Mother Earth Foundation.