Edukasyong Pang-Kapaligiran para sa mga Bata sa ika-53 na episode ng seryeng ‘Stories for a Better Normal’

July 13, 2021 Tuesday


MAYNILA, ika-14 ng Hulyo taong 2021 — Magtitipon-tipon virtually ang mga organizers ng mga parke at institusyon na naghahandog ng rich at instinctive environmental learning sa mga bata upang hikayatin ang mga pamilya na makilahok sa mga nature-based activities sa kabila ng pandemya sa ika-53 na episode ng seryeng “Stories for a Better Normal: Pandemic and Climate Change Pathways,” na may temang, “Restore Our Earth (Children’s Edition).”
 
Ang online na talakayan, na hango sa konsepto ng dating three-term Senator, na ngayo’y Deputy Speaker at Antique Representative Loren Legarda, ay ipapalabas sa Huwebes, ika-15 ng Hulyo 2021, 10:00 AM via Facebook Live sa facebook.com/CCCPhl at facebook.com/iamlorenlegarda.
 
Kabilang sa online na talakayan sina Bambi Mañosa-Tanjutco, President at CEO ng Museo Pambata, kasama ang kanyang mga anak na sina Isabella at Natasha Tanjutco ng Kids for Kids; Edeline Payawal, Manager ng Hiraya Childhood Playfarm; at Shawi Cortez, Founder ng Forest School Philippines, upang talakayin ang iba't-ibang mga nakakaaliw na aktibidad na nagtuturo ng environmental awareness at learning sa mga bata.
 
Ang kalikasan ay may napakahalagang papel na ginagampanan sa paglaki ng isang bata. Ang pagkakaroon ng physical contact ng bata sa natural world ay makakatulong sa progreso ng pagkatuto at paglaki ng bata.
 
Para sa maraming pamilya na nakatira sa lungsod o may urban lifestyle, at lalo ngayong may pandemya, bihirang makalabas ang mga bata sa outdoors, kung kaya't nalimitahan ang learning environment ng mga bata gamit ang mga gadgets. Ang kakulangan ng sensorial stimulation mula sa direktang pakikipag-ugnayan sa natural environment ay maaring makabawas rin ng interes sa usapin ng pangangalaga ng kalikasan.
 
Mula sa episode ay makakakuha ng tips ang mga viewers, tulad ng mga magulang at guro, kung paano tuturuang mapalapit ang kanilang mga anak at mga estudyante sa kalikasan at kung paano nila mapalaki ang mga ito na mayroong magandang pagtingin sa mundong kanilang ginagalawan at maituro ang responsibilidad na ginagampanan ng kabataan.
 
Bilang isang online na talakayan upang maisulong ang kalusugan at kamalayang pang-kapaligiran, naglalayon ang Stories for a Better Normal na baguhin ang kaisipan ng bawat Pilipino at pamayanan sa mga hamon ng climate change at ng pandemya, tungo sa buhay na maka-kalikasan at sustainable sa ilalim ng ‘better normal’.
 
Ang online na talakayan na ito ay na-organisa sa pagtutulungan ng tanggapan ni Deputy Speaker Loren Legarda at ng Climate Change Commission, na binigyang-suporta naman ng Department of Education, Philippine Information Agency, Institute for Climate and Sustainable Cities, The Climate Reality Project-Philippines at Mother Earth Foundation.