August 10, 2021 Tuesday
MAYNILA, ika-11 Agosto 2021— Magtitipon-tipon ang mga learners mula sa Department of Education (DepEd) upang magturo, magbigay inspirasyon, at maghikayat sa kapwa nila bata na manguna sa usaping climate action sa ika-57 na episode ng seryeng “Stories for a Better Normal: Pandemic and Climate Change Pathways,” na may temang, “Climate Action Stories of Children, Written by Children”.
Ang online na talakayan, na hango sa konsepto ng dating three-term Senator, na ngayo’y Deputy Speaker at Antique Representative Loren Legarda, ay ipapalabas sa Huwebes, ika-12 ng Agosto 2021, 10:00 AM via Facebook Live sa facebook.com/CCCPhl at face
Kasama sa online na talakayan ang mga kawani at learners mula DepEd kabilang sina Director Ronilda Co at Ms. Zherluck Shaen Rodriguez ng DepEd Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS); Ckyr M. Leonardo mula sa Valencia National High School (Division of Valencia City); Joshua Ofiasa Villalobos ng Youth for Climate Hope (Division of Bacolod City); Raaina P. Hinay ng Kids Who Farm (Division of Zamboanga City); at Amabelle Franchesca, isang campus journalist mula sa Congressional Integrated High School (Division of Cavite).
Sa nangyayaring krisis sa climate change, walang kinalaman ang mga bata ngunit pasan rin nila ang mga masasamang epekto nito. Dahil sa climate change, mas madalas ang pagkakaroon ng kalamidad at mas matitinding bagyo at pag-ulan bunga ng pag-init ng mundo. Dala ng mga ito ang health hazards at risks para sa mga bata dahil sila ang mas madaling kapitan ng physical at psychological trauma, nutritional deprivation, infectious agents, at environmental contaminants dahil sa kanilang dynamic developmental physiology at immature defense systems.
Ang paglahok ng mga bata ay maituturing na importanteng aspeto ng climate action. Sa pamamagitan ng mga initiatives ng DepEd, layuning bigyang lakas at hikayatin sila na maging mga changemakers sa pagpapaangat ng kamalayan sa sarili at pamilya, at pagpapatupad ng mga proyekto sa paaralan at komunidad.
Bilang bahagi ng programang climate change adaptation and mitigation (CCAM), kasalukuyang nagde-develop ang DepEd sa tulong ng DRRMS ng isang booklet na pinamagatang “Climate Action Stories of Children, Written by Children” na naglalayong makapagpakita ng mga kwento ng Filipino learners na nagtataguyod ng climate action para makapagbibigay inspirasyon. Ang mga nasabing kwento ay isinulat ng mga student journalists na sumailalim sa pagsasanay na tinawag bilang The Green Beat Initiative: An Online Environmental Journalism Training for Student Campus Journalists and School Paper Advisers na pinangunahan ng DepEd DRRMS at ng Association of Young Environmental Journalists (AYEJ).
Bibigyang-diin sa episode ang mga initiatives ng DepEd sa pagtaguyod ng environmental consciousness at itatampok ang mga learners na nagpakita ng mahusay na pamumuno sa mga environmental initiatives na nauugnay sa CCAM sa kanilang mga paaralan at pamayanan.
Bilang isang online na talakayan upang maisulong ang kalusugan at kamalayang pang-kapaligiran, naglalayon ang Stories for a Better Normal na baguhin ang kaisipan ng bawat Pilipino at pamayanan sa mga hamon ng climate change at ng pandemya, tungo sa buhay na maka-kalikasan at sustainable sa ilalim ng ‘better normal’.
Na-organisa ang online na talakayang ito mula sa pagtutulungan ng tanggapan ni Deputy Speaker Loren Legarda at ng Climate Change Commission na binigyang-suporta naman ng Department of Education, Philippine Information Agency, Institute for Climate and Sustainable Cities, The Climate Reality Project-Philippines at Mother Earth Foundation.