Kampanya para sa Kalikasan sa ika-62 na episode ng seryeng ‘Stories for a Better Normal’

September 14, 2021 Tuesday


MAYNILA, ika-15 ng Setyembre 2021 – Magtitipon-tipon virtually ang ilan sa mga katangi-tanging young Filipino conservationists at climate advocates upang maitaguyod ang makahulugang pakikiisa ng mga kabataan sa usaping pang-kapaligiran at pang-klimang pagkilos ngayong ika-62 na episode ng seryeng ‘Stories for a Better Normal; Pandemic and Climate Change Pathways,” na may temang “Kampanya para sa Kalikasan.”
 
Ang online na talakayan, na hango sa konsepto at pangunguna ng dating three-term Senator, na ngayo’y Deputy Speaker at Antique Representative Loren Legarda, ay ipapalabas sa Huwebes, ika-16 ng Setyembre 2021, 10:00 AM via Facebook Live sa facebook.com/CCCPhl at facebook.com/iamlorenlegarda. Dalawang masuwerteng viewers ang maaaring manalo ng mga tablet sa pamamagitan ng pag-tune in sa buong programa.
 
Kasama sa nasabing online na talakayan sina Ann Dumaliang, Managing Trustee at Co-founder ng Masungi Georeserve; Mark Edison Raquino, Research and Development Coordinator ng DALUHAY; at sina Tasha at Bella Tanjutco, Co-founders ng Kids for Kids PH upang mangampanya para sa agaran, at sama-samang pagkilos sa ngalan ng biodiversity conservation.
 
Ang Pilipinas ay isa sa 18 mega-biodiverse countries sa buong mundo, na tahanan ng two-thirds ng biodiversity sa daigdig, at mahigit-kumulang 70% to 80% ng mga plant at animal species sa mundo. Ang natatanging biodiversity ng bansa ay sinusuportahan ng malawak na samu’t saring mga ecosystems, landscapes at habitats na sadyang kapaki-pakinabang para sa mga Pilipino. Nagbibigay ang mga ito ng mga serbisyo tulad ng pagkain, tubig, enerhiya, gamot, biomass, carbon sequestration at climate regulation, crop pollination, kabilang na ang inspirasyong pang-kultura at espiritwal para sa ecotourism.
 
Gayumpaman, karamihan ay labis na nanganganib dahil sa mga gawain ng tao. Mayroong higit-kumulang 700 na ang endangered at threatened species sa Pilipinas, kung kaya nararapat na i-prioritize natin ang biodiversity conservation.
 
Bilang isang online na talakayan upang maisulong ang kalusugan, kamalayang pang-kapaligiran, at mga kasanayan sa pakiki-angkop sa klima, naglalayon ang “Stories for a Better Normal” na baguhin ang kaisipan ng bawat Pilipino, mga pamilya at pamayanan sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga paraan kung paano maisasakatuparan ang ‘better normal’ sa loob ng ating mga pamayanan.
 
Ang online na talakayan na ito ay na-organisa sa pagtutulungan ng tanggapan ni Deputy Speaker Loren Legarda at ng Climate Change Commission, na binigyang-suporta naman ng Department of Education, Philippine Information Agency, Institute for Climate and Sustainable Cities, The Climate Reality Project-Philippines at Mother Earth Foundation.