September 27, 2021 Monday
MAYNILA, ika-28 ng Setyembre 2021 – Magtitipon-tipon virtually ang ilan sa mga guro at Bureau of Learner Support Services – Youth Formation Division (BLSS-YFD) officers mula sa Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) upang ibida ang mga pampublikong paaralan na nangangalaga ng mga Heritage Tree sa ika-64 na episode ng seryeng ‘Stories for a Better Normal’: Pandemic and Climate Change Pathways”.
Ang online na talakayan, na hango sa konsepto ng DepEd Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS) at pangungunahan ng three-term Senator, at ngayo’y Deputy Speaker at Antique Representative Loren Legarda, ay ipapalabas sa Huwebes, ika-30 ng Setyembre 2021, 10:00 AM via Facebook Live sa facebook.com/CCCPhl, facebo
Kasama sa naturang online na talakayan sina Mr. Adolf P. Aguilar at Ms. Gina Rullamas ng DepEd BLSS-YFD; Ms. Jenelyn Alberto mula sa Kaligayahan Elementary School (Division of Quezon City); Mr. Nolito Roque Alvarez mula sa Alabang Elementary School (Division of La Union); at Ms. Freida Cawaling mula sa Albasan Elementary School (Division of Aklan).
Sa kabila ng mahalagang papel na ginagampanan ng biodiversity, partikular sa pagsuporta sa kasalukuyan at hinaharap na kalusugan ng tao, kapakanan, kaunlaran sa ekonomiya, at ecological balance, ito’y nasisira pa rin sa isang hindi pa naaabot-gunitang pangyayari at bumibilis na antas.
Ang mga heritage tree, na kilala sa kanilang katutubong kalusugan, pagiging natatangi, threatened, at endangered na may minimum girth na 100 centimeters na may katangi-tangi, makasaysayan, pangkultura, panlipunan, pang-edukasyon, pang-agham at aesthetic significance, ay ngayo’y kinikilala bilang pangunahing yaman na kumakatawan sa malawak at kakaibang pagtitipon ng mga species. Ngunit ang mga punong ito ay nanganganib dahil sa urbanisasyon, natural hazards at vandalism, maliban sa iba pang mga alalahanin.
Kaugnay nito, pinangunahan ng DepEd Office of Undersecretary for Administration sa tulong ng BLSS-YFD ang ‘Search for Heritage Trees in Public Schools’ upang muling buhayin ang pagkilala at pagsisinop ng mga nabubuhay at makasaysayang mga artifacts sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa buong bansa bilang isa sa mga hakbangin sa pagpapaigting ng pangangalaga sa biodiversity ng ating bansa.
Bilang isang online na talakayan upang maisulong ang kalusugan, kamalayang pang-kapaligiran, at mga kasanayan sa pakiki-angkop sa klima, naglalayon ang “Stories for a Better Normal” na baguhin ang kaisipan ng bawat Pilipino, mga pamilya at pamayanan sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga paraan kung paano maisasakatuparan ang ‘better normal’ sa loob ng ating mga pamayanan.
Ang online na talakayan na ito ay na-organisa sa pagtutulungan ng tanggapan ni Deputy Speaker Loren Legarda at ng Climate Change Commission, na binigyang-suporta naman ng Department of Education, Philippine Information Agency, Institute for Climate and Sustainable Cities, The Climate Reality Project-Philippines at Mother Earth Foundation.