November 16, 2021 Tuesday
MAYNILA, ika-17 ng Nobyembre 2021 — Muling itatampok sa ika-71 na episode ng seryeng "Stories for a Better Normal: Pandemic and Climate Change Pathways,” ang mga organisasyong may mga simulaing tumulong sa ating mga pamayanan upang labanan ang climate change at mapabuti ang buhay ng bawat Pilipino.
Ang online na talakayan, na hango sa konsepto at pangunguna ng three-term Senator, na ngayo’y Deputy Speaker Loren Legarda, ay ipapalabas sa Huwebes, ika-18 ng Nobyembre 2021, 10:00 AM via Facebook Live sa facebook.com/CCCPhl at face
Kasama sa online discussion sina Ryan Gersava, Founder at President ng Virtualahan; Sarah Queblatin, Co-Founder at Executive Director ng Green Releaf Initiative; at Engr. Cle Bern Paglinawan, Provincial Tourism Officer ng Provincial Government of Siquijor.
Ang climate change ay ang pinakamalaking banta sa sustenableng pag-unlad. Mahalaga ang agarang climate action upang makamit ang lahat ng Sustainable Development Goals (SDGs) tulad ng pagpuksa sa kahirapan at kagutuman, ang pagsisiguro sa pangkalahatang economic growth, at ang pagprotekta sa mga ecosystem.
Pag-uusapan sa episode ang mga programa para sa mga persons with disabilities, zero waste at upcycling programs, pati na regenerative agriculture.
Bilang isang online na talakayan upang maisulong ang kamalayang pang-kapaligiran, at mga kasanayan sa paghahanda sa nagbabagong klima, naglalayon ang “Stories for a Better Normal” na baguhin ang kaisipan ng bawat Pilipino, mga pamilya at pamayanan sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga paraan kung paano maisasakatuparan ang ‘better normal’ sa loob ng ating mga pamayanan.
Ang online na talakayan na ito ay na-organisa sa pagtutulungan ng tanggapan ni Deputy Speaker Loren Legarda at Climate Change Commission, na binigyang-suporta naman ng Department of Education, Philippine Information Agency, Institute for Climate and Sustainable Cities, The Climate Reality Project-Philippines at Mother Earth Foundation.