December 14, 2021 Tuesday
MAYNILA, ika-15 ng Disyembre 2021 — Ating ipapalabas ngayong linggo ang “The Best of Stories for a Better Normal” Part 1 kung saan ibibida ang ilang natatanging mga tagpo mula sa mga nakaraang episodes. Mapapanood ang interview clips kina Lee Ann Canals-Silayan, na Founder ng Kaleekasann nursery mula sa ating Planting Native Trees episode; Diding Libao ng Inang Maria’s Garden mula sa ating May Pagkain sa Bakuran episode; at Karen Hizola, Executive Director ng Global Seed Savers Philippines mula sa Saving Seeds and Growing with Nature episode.
Ang online talakayan, na hango sa konsepto ng three-term Senator, na ngayo’y Deputy Speaker Loren Legarda, ay ipapalabas sa Huwebes, ika-16 ng Disyembre 2021,10:00 ng umaga via Facebook Live at facebook.com/CCCPhl, facebo
Kasama bilang co-host ang bagong Vice Chairperson at Executive Director ng Climate Change Commission na si Rachel Anne S. Herrera.
Halos dalawang taon sa gitna ng pandemya, maraming mga Pilipino ang bumaling at lumipat sa pagtatanim at pag-aalaga ng mas maraming mga halaman para sa kanilang pagkain, o simpleng kahiligan para lang makayanan ang tindi at bigat ng biglaang pagkakahiwalay sa normal na pamumuhay. Ibibida sa susunod na episode ang kahalagahan ng food security, native species ng mga puno, at pag-iipon ng mga binhi.
Bilang isang online na talakayan upang maisulong ang kalusugan, kamalayang pang-kapaligiran, at mga kasanayan sa pakiki-angkop sa klima, naglalayon ang “Stories for a Better Normal” na baguhin ang kaisipan ng bawat Pilipino, mga pamilya at pamayanan sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga paraan kung paano maisasakatuparan ang ‘better normal’ sa loob ng ating mga pamayanan.
Ang online na talakayan na ito ay na-organisa sa pagtutulungan ng tanggapan ni Deputy Speaker Loren Legarda at ng Climate Change Commission, na binigyang-suporta naman ng Department of Education, Philippine Information Agency, Institute for Climate and Sustainable Cities, The Climate Reality Project-Philippines at Mother Earth Foundation.